Nakikiusap ngayon sa taongbayan si Pangulong Rodrigo Duterte na unawain ang kahalagahan ng isinusulong nitong Bangsamoro Basic Law (BBL) at ang pag-amyenda sa Saligang Batas para mabago ang porma ng gobyerno tungo sa federalism.Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa gitna ng pagtutol ng ilang sektor at ilang mga mambabatas sa Charter change (cha-cha) dahil sa pagdududa sa motibo sa likod ng itinutulak ng administrasyon.Sinabi ni Pangulong Duterte, napapanahon na para maitama ang “historical injustice” na dinanas ng mga Moro.
Post Top Ad
Post Top Ad
Thursday, January 18, 2018
Duterte admin, record-high excellent net satisfaction rating -SWS
Nakuha ni Pangulong Rodrigo Duterte ang record-high sa kasaysayan ng survey batay sa resulta na inilabas ng Social Weather Station.
Ito ay matapos pumalo sa plus 70 o excellent net satisfaction rating ang nakuha ng Punong Ehekutibo batay sa ginawang SWS survey nitong Disyembre 2017.Ang survey result ang itinuturing na record high ng SWS na nakuha ng alinamng Administrasyon sa nakalipas na 28 taon.Batay sa pagtatanong ng nabanggit na survey firm, lumabas na nakaparaming mga Pinoy ang nagbigay ng very good grading sa Pangulo sa pagsisikap nitong labanan ang terorismo, matulungan ang mga mahihirap at mamantine ang public works.
Ikinatuwa naman ito ng Palasyo at sinabi ni Presidential Spokesman Sec. Harry Roque na magsisilbi itong barometro upang mas pag-igihin pa ang pagta- trabaho ng Administrasyon upang hindi masira ang public confidence.